Tuesday, January 04, 2005

Basbas 2005

Humayo kayo sa mundo.

Baunin ninyo and alaala ng kaunting panahon

ng pagpapanibago ng inyong mga kaluluwa

sa presensya ng Diyos at ng kanyang mga anak.

Baunin ninyo ang pagnanasang maging tapat kay Jesus

sa pamamagitan ng pagmamahal na ipadadama ninyo

sa inyong pamilya,

mga kaibigan,

at iba pang masasalubong ninyo

na mangangailangan nito.

Baunin ninyo ang tatag ng loob,

ng panindigang hindi susuko sa kasalanan.

At sa huli, baunin ninyo ang pananabik sa muling pagbabalik ni Jesus anumang oras.

Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo, nawa’y pagpalain kayo.” AMEN


No comments: