Ruth 2:5-12; 15-16
Intro:
Maraming OFW at Pinoy na nandito sa Pilipinas ang nakakaramdam ng crisis. Subsob sa trabahao at said ang lahat ng oras sa trabaho para kumita kaya wala nang time o pera para sa ibang bagay. Ganyan lang ba ang takbo ng buhay?
Sa kwento ni Boaz at Ruth, makikita natin ang isang utos ng Diyos sa kanyang bayan tungkol sa pag-handle ng harvest ng trigo at iba pang pananim. Basically, sinasabi ng Panginoon, kung magha-harvest ka, magtira ka ng konti para sa mga mahihirap na sisimot ng tira-tira mo. Anong lesson ang mapupulot natin? Based sa Leviticus 19:9-10, inutusan ni Boaz ang kanyang mga tauhan na hwag gambalain si Ruth sa pamumulot. Marami pang favor ang binigay ni Boaz. Pero nag-ugat ang lahat sa utos ng Diyos tungkol sa pakikipag-ugnay sa mga foreigner, kawawa, at api.
3 mensahe ng Diyos para sa Cristianong manggagawa:
-
“Magtira ka naman. Ako ang may-ari ng lahat.”
Ano ba ang mahalaga sa atin? Hindi naman tayo farmer. Pero meron tayong sweldo. Meron tayong oras o panahon. Sabi ng Diyos, “Magtira ka. Kasi may paggagamitan ako dyan.” Hindi lahat ay pwede mong gamitin para sa gusto mo lang. Atsaka, hindi tayo ang may-ari. Steward lang tayo.
-
“Ako ang magpupuno sa kulang kung magtitira ka.”
Sa dami ng needs, hindi talaga sapat ang ating kita. Totoo yan. Alam ng Diyos yan. And yet, sinasabi ng Diyos na pwede tayong magtabi ng konti o proportion ng ating resources para sa kanyang purpose. Paulit-ulit yan sa OT at NT. Sa Malachi 3:10, magbigay ka raw ng tithes at sisiguruhin ng Diyos na hindi mapepeste at masasalot ang ating mga pananim. Sa Matthew 6:24-35, hinahabol ng mga pagano ang pangtustos sa kailangang kainin, suutin, tirhan, etc. Hinahabol nila ang panggastos, kaya wala nang panahon sa ibang bagay. Sabi ng Panginoon, hep, hep, teka muna. Unahin mo ang agenda ko. Kingdom ko muna at katuwiran. At lahat ng pangangailangan mo ay masasagot. Pero ito ay laging step of faith. Hindi ito mapipilit sayo. Mapapatunayan lang ng nagtitiwala sa Diyos pagkatapos ng hakbang ng pagtiwala at pagsunod.
-
“Mas unang priority ang glory ko kaysa specific needs mo.”
Parang negative. Pero, kung titingnan sa tamang perspective, sinasabi lang dito na makukuha at matatanggap ni Lord ang glory at honor na para sa kanya whether masagot ang needs natin, hindi masagot ang needs natin, o masagot nga pero sa unexpected na paraan. Hindi natin pwedeng ikahon ang glory ni Lord in terms ng ating needs and concerns. Mas malaki, malawak, malalim ang purpose ni Lord. Sa pananaw ni Lord, pareho lang opportunity na maka-receive sya ng glory at honor whether we live or die, be healed from sickness or succomb to it, become rich or become poor. Gusto natin ang ating definition ng magandang kapalaran. But sometimes, God gets glory in something we don't like.
In the end, God will get glory. How we respond to needs and worries determine if we join in giving glory to God or not. Katulad ng love story ni Boaz at Ruth, nagsimula sa personal needs and concerns. Pero sa mas malaking story, part sila ng history ng pag-save ng Diyos sa sanlibutan. There were some negative aspects of their lives that we can point out: old bachelor si Boaz; foreigner na byuda si Ruth. Mahirap lang si Ruth and Naomi. Maraming tsismisan. However, they were people of faith, and they trusted God, and obeyed God. They gave glory to God. God received glory, their needs were met, at natupad ang purpose ni Lord sa kanilang buhay.
Mangyari din sana sa atin.
2 comments:
Amen!!! Pastor Nathan, I'm blessed by this message of yours.
Regards,
Conrad
Thanks for your kind words.
Post a Comment