Tuesday, March 10, 2009

Mabuhay Ka, Francis M.!

Ngayon, March 10, 2009, ang huling lamay para kay Francis M. Iki-cremate na sya bukas. Marami syang iniwang idea at prinsipyo. Sa akin lang, para sa humahanga sa kanya, hindi tayo kailangang malunod sa lungkot. Isipin na lang natin ang saloobin nya na nilapatan nya ng musika. Sabi nya sa "Mga Kababayan Ko", kaya nating abutin ang ating minimithi. Na hindi kailangang ibaba ang iba para maabot ang gusto. Sinabi nya rin na magsisimula ito kung bibilib tayo tayo sa ating sarili. Realistic naman siya sa pag-observe ng nangyayari sa paligid, nevertheless meron siyang message ng pag-asa. Marami pa, pakinggan mo ang ibang sinabi nya sa mga kanta nya.

Mabuhay Ka, Francis M! Bayani ka rin.

No comments: