Meron akong nabasa sa Baptist Press News release (18 September 2007). Ikinuwento ng isang evangelist kung paano nya pinapapunta ang anumang pag-uusap patungo sa pag-share ng Gospel. Meron daw siyang tatlong magagandang tanong na conversation starters. Hindi ito diagnostic questions katulad ng sa EE. Pampagana lang ng usapan, ika nga.
Una, pagkatapos makipagkilala at makigaanan ng loob sa isang bagong kakilala, itatanong niya, “Ano ang pinakagusto-gusto mong nangyari sa buhay mo ngayon?” Kung magsi-share siya, ok. Kung hindi, ok rin.
Pangalawa, kung maraming oras, itatanong niya, “Ano kaya ang pinaka-importanteng ginawa ng Diyos para sa iyo sa tanang buhay mo?” O, di ba papunta na sa mga usaping maka-Diyos? Matalino!
Pangatlo, kung seryosohan na, itatanong niya, “Sa palagay mo, ano kaya ang nire-require ng Diyos para magkaroon ng kaugnayan/relationship ang isang tao sa Kanya?” Subtle, 'no? Conversations, instead of hard sell. Nakikisabay lang sa takbo ng pagtitiwala ng kausap mo sayo. What do you think?
No comments:
Post a Comment