Showing posts with label samba. Show all posts
Showing posts with label samba. Show all posts

Thursday, May 03, 2007

Kami'y Katagpuin

Bago ko sagutin ang post kahapon, mas makakabuti kung ilalagay natin sa context ang lahat. Many of us feel we are in a heap of trouble. So how to get a right and good perspective without losing grasp of the immediate situation? Worship. Sumamba.

Kami'y Katagpuin

Narito kami, nagpapakumbaba;
Sumasamba sa iisang Diyos.
Hinahanap namin kariktan ng 'yong mukha;
Sumasamo sa 'yong pagkilos.

Tulay:
At sa himig na hain tanging dalangin
Kami'y katagpuin...

Koro:
Iparanas mo sa 'min ang 'yong kapangyarihan;
Ipamalas mo sa 'min ang 'yong kaluwalhatian.
Hanggang ang aming kalul'wa'y mapuspos nang lubusan
At sa 'ming kalagitnaa'y bumaba
Ang kalangitan;
Dakila ang 'yong ngalan!