Thursday, August 11, 2011

UPLB Cooperative Housing

Part of my formative years was in college, not merely the education, but living within a community of young men and boys called the UPLB Student Cooperative Housing. It wasn't just a dorm; it was an experience. I will let my friend Jo Florendo, who entered UP Los BaƱos in the same year I did, describe it:


Hindi magiging masaya ang taon ko bilang bagong salta sa eLBI kung hindi ako niyaya tumira sa coop.

Hindi kumpleto ang edukasyon ko sa buhay kung hindi ako nanirahan sa coop. Kaya ko maglinis ng banyo kahit walang tubig. O mag aral kahit walang kuryente.

Hindi ako inabot ng gutom sa coop kahit ubos na ang baon. May inihaw na biik, nilagang talbos ng kamote , at ginataang sawa at bayawak.

Hindi problema ang kawalan ng plato o kubyertos. Natuto akong kumain sa kaldero, sa panakip ng kaldero, at sa palanggana sa coop.

Hindi ako makakaligaw kung hindi ko suot ang cowboy boots ni Ange. Plus 5 pogi points agad

Hindi ako naubusan ng mapapagtanungan sa coop. Lahat ng unit may henyong tatahitahimik.

Hindi ako naubusan ng kaibigan sa coop. Kahit na matapos na ako sa eLBi o kahit hindi na nakatayo ang mga unit na tinuring kong bahay.

Hindi lang panlalake na dorm ang coop. Kung minsan, pag biyernes, sabado, at linggo may mga unit na nagiging coed din...

Hindi sa iloilo ko unang natikman ang masarap na daing na pusit. Sa Isarog [a dorm unit].

Hindi ko natutunan ang chem 16 kay Pada. Kay philbert. Hindi ko natutunan ang algebra kay obungen. Kay arnie.

Hindi magiging makulay ang buhay kung hindi ako napadpad sa coop.

Salamat sa hindi nakakalimot.... Jojo Florendo