Monday, October 16, 2006
Is God good enough for you today?
In one session, our facilatator shared how he had this running coversation with God dealing on the question, "Is God good enough for you today?" As I understand it, it's an engagement of faith as I face the common crises of living as a man, husband, father, worker, etc. For example, on payday you tend to be high on God as you have just received money for household expenses, maybe a little something over for extras. Pero, as the next payday approaches, the money tends to thin out and you wonder if you'll have enough for fare and lunch until the payroll comes again. Is God good enough, then? Common occurences, real tests.
Last Sunday, Kingsland BC with whom we Montenegro's worship and serve celebrated its 17th anniversary. Our theme was God's faithfulness. This church has gone through many trials and struggles. Seemed to me that a song we sung expressed the church's relationship with God through the years. It goes like the following:
Di Nagbabago
Ang lahat ay nag-iiba
Tulad ng himig ng kanta
Biglang luluha kahit na nagsasaya.
Ang rosas ay natutuyo
Pangarap ko'y nabibigo
Maging lakas ng puso ko'y naglalaho.
O, Jesus, pag-ibig Mo
Ang tanging di nagbabago
Pakinggan Mo ang awit ko.
Koro:
Di nagbabago ang pag-ibig Mo sa'min
Kahit anong mangyari kami'y mahal Mo pa rin
Mula pa kahapon
At sa habang panahon
Ikaw lamang ang Panginoon.
Amen to that.
Friday, May 19, 2006
Para Kay Nanay
The world is full of sons and daughters like you and me
I had a marvellous mother, who loved me,
Sacrificed for me and helped me in every way possible.
In all of my growing up from childhood through
School and eventually marriage,
My mother was always at my side.
And when I needed help with my little ones,
She was there for me.
A few years ago, we buried this wonderful woman.
Can you imagine how I felt when I returned home and
Found poem in her drawer written by my mom.
The time is now
If you are ever going to love
Love me now while I can know
The sweet and tender feelings
Which from true affection flow
Love me now while I am living
Do not wait until I am gone
And then have it chiselled in marble
Sweet words on ice-cold stone
If you have tender thoughts of me
Please let me know now
If you wait until I am sleeping
There will be death between us
And I will not hear you then
So if you love me, even a little bit
Let me know while I am living
So that I can treasure it
With thanks to Belinda Moyo
For the Christian Prayer is not an option but an opportunity.
"In prayer; expect setbacks, but refuse retreat." Richard Eastman
Don't tell the Lord how big the problem is,
tell the problem how Great the Lord is!
To subscribe or unsubscribe visit http://www.christianchallengeandblessing.com
Monday, March 13, 2006
Lessons from A Tavern
Mga kapatid,
Kaya siguro ganun na lang katindi ang appeal ng inuman sa mga Pilipinong lalaki ay baka dahil sa nadiskubre ni kapatid Chuck Swindoll. What do you think?
Nathan
Chuck Swindoll writes...
An old Marine Corps buddy of mine, to my pleasant surprise, came to know Christ after he was discharged. I say surprise because he cursed loudly, fought hard, chased women, drank heavily, loved war and weapons, and hated chapel services.
A number of months ago, I ran into this fellow, and after we'd talked awhile, he put his hand on my shoulder and said, "You know, Chuck, the only thing I still miss is that old fellowship I used to have with all the guys down at the tavern. I remember how we used to sit around and let our hair down. I can't find anything like that for Christians. I no longer have a place to admit my faults and talk about my battles—where somebody won't preach at me and frown and quote me a verse."
It wasn't one month later that in my reading I came across this profound paragraph: "The neighborhood bar is possibly the best counterfeit that there is to the fellowship Christ wants to give his church. It's an imitation, dispensing liquor instead of grace, escape rather than reality—but it is a permissive, accepting, and inclusive fellowship. It is unshockable. It is democratic. You can tell people secrets, and they usually don't tell others or even want to. The bar flourishes not because most people are alcoholics, but because God has put into the human heart the desire to know and be known, to love and be loved, and so many seek a counterfeit at the price of a few beers. With all my heart," this writer concludes, "I believe that Christ wants his church to be unshockable, a fellowship where people can come in and say, 'I'm sunk, I'm beat, I've had it.' Alcoholics Anonymous has this quality—our churches too often miss it."
Now before you take up arms to shoot some wag that would compare your church to the corner bar, stop and ask yourself some tough questions, like I had to do. Make a list of some possible embarrassing situations people may not know how to handle.
Your mate talks about separation or divorce. To whom do you tell it?
Your daughter is pregnant and she's run away—for the third time. She's no longer listening to you. Who do you tell that to?
You lost your job, and it was your fault. You blew it, so there's shame mixed with unemployment. Who do you tell that to?
Financially, you were unwise, and you're in deep trouble. Or a man's wife is an alcoholic. Or something as horrible as getting back the biopsy from the surgeon, and it reveals cancer, and the prognosis isn't good. Or you had an emotional breakdown. To whom do you tell it?
We're the only outfit I know that shoots its wounded. We can become the most severe, condemning, judgmental, guilt-giving people on the face of planet Earth, and we claim it's in the name of Jesus Christ. And all the while, we don't even know we're doing it.
That's the pathetic part of it all.
-- Charles Swindoll, Leadership, Vol. 4, no. 1.
Wednesday, March 08, 2006
Isang Panawagan
The following is my version of an email forwarded to me:
Ako ay isang middle class Pinoy, isang editor sa isang di-kalakihang publisher at may asawa...apat na anak. Di na importante pangalan ko kasi parepareho naman tayong mga middle-class....trabaho 9-5, meryenda fishball tapos uwi sa pamilya sa dasma, cavite, laruin si misis, kamustahin si JJ, JoyJoy, Jojo, at Jed, nood tv konti, tapos tulog na. pag wala na pera intay na lang ng sweldo.
Sa nangyayari ngayon sa ating bansa, lahat na lang ng sector ay maingay at naririnig, tayo lang mga middle-class, tax paying at productive Pinoys ang di naririnig. Subalit, buwis natin ang nagpapaikot sa bansang ito. Pag may mga gulo na nangyayari, tayo ang tinatamaan. Kaya eto ang liham ko sa lahat ng maiingay na sector na sana makagising sa inyong bulag na pag-iisip.
Sa Mga Politiko:
Diyos ko naman, sa dami na nang nakurakot ninyo di na ba kayo makuntento? kelangan nyo pa ba manggulo?
Sa Administrasyon:
Hayan ayus na ha pinatawad na namin ang pandaraya nyo sa eleksyon, pruweba dito e di kami umaatend sa mga panawagan ng people power,
kaya sana naman gantihan nyo kami ng magandang serbisyo at magaling na pamumuno at malaking bawas sa kurakot naman please para kahit papano maramdaman naman namin na may napupuntahan ang binabayad naming buwis.
Sa Oposisyon:
Di nyo pa ba nakikita na dalawang klase lang ng tao ang nakikinig sa inyo....
isa ay bayaran na mahihirap kungdi man ay tangang mga excited na reporter na parang naka-shabu lagi....mga praning e at naghahallucinate. Bago man lang kayo maglunsad ng kilos laban sa administrasyon, pumili muna kayo ng magiting at nararapat na ipapalit sa liderato ngayon. Hirap sa inyo paresign kayo ng paresign wala naman kayo ipapalit na maayos. Advise lang galing sa isang middle-class na syang tunay na puwersa sa likod ng lahat ng matagumpay na People Power, magpakita muna kayo ng galing bago nyo batuhin ang administrasyon. Wala na kaming narinig sa inyo kundi reklamo, e wala naman kayong ginagawa kundi magreklamo....para kayong batang lagi na lang naaagawan ng laruan.....GROW UP naman...sa isip sa salita at sa gawa.
Please lang gasgas na rin ang pagrarally nyo na katabi nyo ay mga bayaran na mahihirap, magtayo nalang kayo ng negosyo at iempleyo ang mga rallyista para maging productive silang mamamayan. Sige nga, pag nagrarally kayo yakapin nyo nga at halikan yang mga kasama nyong nagrarally!! Nung People Power namin nagyayakapan kami lahat nuon. Wala naman mangyayari sa mga rally nyo nakakatraffic lang, kami pang middle-class ang napeperwisyo. Di nyo kayang paghintayin ng 3 araw ang mga rallyista nyo kasi kelangan nyo pakainin at swelduhan ang mga yan. Kung gusto nyo tagumpay na People Power kami ang isama nyo....pero pagod na kami e, sori ha.
Sa Military:
Alam nyo lahat tayo may problema, pati US Army may problema, 2,000 plus na patay sa kanila sa Iraq na parang walang rason naman, pero nakita nyo ba sila nagreklamo? Wala diba kasi professional sila na sundalo.....
yan dapat ang sundalo di nagtatanong sumusunod lang. Kasi may mga bagay na di kayang maintindihan ng indibidwal lamang, at ang mga nakatataas lang angnakakaintindi ng kabuuan, kaya ito ang panuntunan ng lahat ng military ng lahat ng bansa. Pero parang military natin yata ang pinaka-mareklamo. Sabi nga sa Spiderman "with great power comes great responsibility"..... kaya maging spiderman kayo lahat at protektahan ang mamamayan. Sa totoo lang natatakot kami kapag nagrereklamo kayo, kasi may baril kayo at tangke, kami wala.
Wala ako comment sa mga mahihirap, di naman kasi sila maingay na kusa e, may bayad ang ingay nila. Saka wala rin naman silang email.
Kaya paano na tayong mga middle-class?? Eto hanggang email na lang tayo kaya ikalat nyo na ito at magdasal tayo na umabot ito sa mga dapat makabasa nito at makiliti naman ang kanilang mga konsyensya.
Signed,
Isang Middle-Class Pinoy na walang puknat na binabawasan ang sweldo ng Buwis!
Wednesday, March 01, 2006
Mensahe ng Isang Pugad
May isang ibon na naligaw sa paggawa ng pugad nya sa harap ng bahay namin sa Dasma Cavite. May tanim doon na isang bush, madahon din. Wala na siguro siyang mahanap na puno o type nya lang talaga sa amin kasi di namin binabato ang mga ibon. We like to see God's creatures. Anyway, akala ko nagkamali lang. Isang araw, may nag-appear na nesting material na medyo pabilog na ang porma sa singit ng maliit na branch. "O, bakit nandito ito?” “Sweetheart, tingnan mo may nest, o.”
“Oo nga, ano? Ang cute! Oy Jed, h’wag mong sirain!!!” Jed is our youngest.
“What a stupid bird,” sabi ko. Pero teka. Naalala ko yung sa Matt. 6 about the birds. Sabi doon,
6:25 “Therefore I tell you, do not worry1 about your life, what you will eat or drink, or about your body, what you will wear. Isn’t there more to life than food and more to the body than clothing? 6:26 Look at the birds in the sky:2 They do not sow, or reap, or gather into barns, yet your heavenly Father feeds3 them. Aren’t you more valuable4 than they are? 6:27 And which of you by worrying can add even one hour to his life?5 (Matt. 6:25-27, NET Bible)
Siguro, in some mysterious way, pinadala ng Lord ang ibon to us tell us that he oversees the details of where that bird would set up her nest. Did she know we were kind people who would not harm the nest and the nestlings, kung sakali? No. Did she get permission from the village administrator just in case she violated the statement of limitations ng homeowners association? Nope. The nest is hidden, at hindi naman makikita kung di mo alam. Pwera na lang kung maingay siya.
And last night, meron nang isang egg. Mabubuhay kaya yon? Papaano lilimliman ng inahin? I don’t know. But God says he knows and he cares.
Thinking more about it, palagay ko there is a deeper meaning doon. Kasi, kung iisipin mo, saan hahantong ang ginagawa ng bird? Yung egg ba ay magha-hatch o maa-abort? Anong mangyayari sa nest? May relation kasi ito sa devotion namin sa office last Monday. May nag-share about legacy and the significance of what one is doing for God. Maganda kung ang ginagawa mo ay significant for the kingdom. Pero mas maganda kung naipasa mo sa ibang magpapatuloy ng vision na binigay ni Lord. Ang isa sa pinaka-poignant ay kung naipasa mo sa mga anak mo ang vision ni Lord. Ang struggle lang ng nag-share ay wala siyang anak na lalaki. He had always wanted a son to disciple and bring up in the Lord.
The following is a poem I lifted from a workbook on leadership we are studying at the office.Just Suppose
by Phil Hodges from the book Lead Like Jesus: Beginning the Journey (published in the Philippines by Church Strengthening Ministry, with permission from Thomas Nelson, Inc., 2003), p. 135.
Just suppose, when I pray, there really is someone listening who cares about me and wants to know what's on my mind
Just suppose, when I pray, it changes me and my view of how the universe operates and who is involved
Just suppose, I put my doubts aside for a minute and consider the possibility that someone who knew me before I was born loves me, warts and all, without condition or reservation, no matter how badly I have behaved in the past.
Just suppose, a prayer was my first response instead of my last resort when facing a new challenge or an old temptation.
Just suppose, I lived each day, knowing that there is an inexhaustible supply of love for me to pass along to others.
Just suppose.
Notes:
1Or “do not be anxious,” and so throughout the rest of this paragraph.
2Grk “the birds of the sky” or “the birds of the heaven”; the Greek word ούρανός (ouranos) may be translated either “sky” or “heaven,” depending on the context. The idiomatic expression “birds of the sky” refers to wild birds as opposed to domesticated fowl (cf. BDAG 809 s.v. πετεινόν).
3Or “God gives them food to eat.” L&N 23.6 has both “to provide food for” and “to give food to someone to eat.”
4Grk “of more value.”
5Or “a cubit to his height.” A cubit (πήχυς, phēcus") can measure length (normally about 45 cm or 18 inches) or time (a small unit, “hour” is usually used [BDAG 812 s.v.] although “day” has been suggested [L&N 67.151]). The term ήλικία (hēlikia) is ambiguous in the same way as πήχυς (phēcus). Most scholars take the term to describe age or length of life here, although a few refer it to bodily stature (see BDAG 436 s.v. 3 for discussion). Worry about length of life seems a more natural figure than worry about height. However, the point either way is clear: Worrying adds nothing to life span or height.
Wednesday, January 04, 2006
Sa Mata ni Tatay
Pag tinitingnan kita, namimiss ko Tatay ko. Sana nagkaroon ka pa ng mas mahabang panahon na makapiling si Lolo mo. Marami ka sanang matututunan sa kanya. Hitik sa karanasan at kaunawaan ang kanyang buhay. Mula sa isang maliit na bayan sa tabi ng Pacific Ocean sa Surigao Del Sur, nakipagsapalaran siya upang sunggaban ang anumang maidudulot ng buhay. Madami siyang napuntahan, natikman, nasubukan, at naranasan. Paglipas ng 74 na taon, pinauwi na siya ng Diyos sa langit. Ikekwento ko sayo ang isa sa mga tinagubilin niyang ituro ko daw sayo noong ikaw ay ihandog sa Panginoon nang maliit ka pa.
Anak, napakagwapo mong bata. Pero hindi ikaw ang sentro ng buong universe. Kilig na kilig ang lahat ng pumuna sa malalalim mong dimples kapag ikaw ay nakangiti. Makinig ka. Espesyal ka talaga. Mula sa milyon-milyong semilya na nanggaling sa akin, mula sa isa ay nabuo ka kasama ng isang itlog mula sa nanay mo. Bunga ka ng aming pag-iibigan. Buhay ka ngayon dahil ikaw ang napili. Ibig sabihin, may layunin ang Diyos sa buhay mo. Alam kong ipapaunawa ito ng Diyos sa iyo nang malalim at malawak na paraan, kung magpapatuloy kang lumago sa pagkilala sa Kanya. Noong baby ka pa, tinititigan kita sa mata. Nakita ko, may talino ang mga tingin mo. Galing talaga ni LORD. Pero higit pa dyan, mas nakamamangha na gusto ni God na makilala mo siya nang lubusan.
May sasabihin ako: “Huwag mong ilagay ang tiwala mo sa nakikita ng ibang tao sa iyo.” Nakatataba ng puso kung maraming humahanga sayo, pero delikado ito sa pride mo. Sayang, hindi nakikita ng iba kung ano ang laman ng puso mo. Isa pa, lilipas din ang kanilang pagpansin sa iyo. Sinasabi ng Biblia, lumilipas ang kagandahan, kasimbilis ng singaw. Ngayon nandyan, sa isang iglap, wala na (Awit 39:5). Okay lang yan.
Naalala ko Lolo mo. Hindi siya kalakihan. In short, maliit siyang tao. Pwede rin sabihing pandak siya. Aniya, “Wala pang Star margarine noon, eh.” Pero sa loob, sa puso, higante ang Lolo mo. Alam mo kung bakit? Sa paglipas ng panahon ng kanyang mga naranasan, nabasa niya ang New Testament ng Biblia. Nadiskubre niya na mahalaga pala siya sa paningin ng Diyos. Napakahalaga niya dahil iyon ang tingin ng Diyos sa kanya. Gayun na lamang ang pagmamahal ng Diyos kaya't binigay niya ang Kanyang bugtong na Anak na mamatay sa krus para sa kanya.
Sa ganun ding paraan, mahal ka rin ng Diyos, anak. Ganyan din ang pagtingin ng Diyos sa ibang mga tao. Doon nanggaling ang kanilang kahalagahan. Kaya nga kailangang dakilain mo rin sila. Alalahanin mo ang mga katabi mo. Bigyan mo sila ng pansin—ang kanilang kailangan, ang minimithi nila, ang bumabagabag sa kanila. Matuto kang lampasan ang pagiging makasarili—“ako, sarili ko, akin.” Higit sa lahat, kailangan nilang malaman na mahal sila ng Diyos at nararamdaman ng Ama ang kanilang dinaramdam. Matutuwa ang Diyos kung ipakikilala mo ang pag-ibig Niya sa kanila. Ipakita mo. Sabihin mo.
Tuesday, January 03, 2006
Tunay na Lalaki
Ano ba ang sukatan ng pagiging lalaki? May macho dyan, ganito ang sasabihin. May chicks naman, ganyan ang sasabihin. Sana naman, nakita mo sa akin ang isang mabuting example ng tunay na lalaki. Di ko alam kung sa tingin mo ay macho ako, dahil napansin mo siguro macho-norin ako. Itanong mo sa Nanay mo.
Pakinggan mo ang sinabi ni Tatay ko. Una, siyempre ang lalaki ay hindi babae. Male imbis na female. Obvious, di ba? Pero marami ngayon ang nalilito. Sabi ng DNA nila, lalaki sila. Sabi naman nila, feel nila maging babae. Sinigurado ng Lolo mo na malinaw ito sa akin nang tinanong ko siya kung bakit hindi ako pinanganak na babae—pitong taong gulang pa lang ako noon. Lalaki ako dahil ito ang design ni God para sa akin. Nakasulat sa DNA ko na XY ako—male species. Nasa plano daw ng Diyos na maging lalaki ako. Ganito rin ang plano niya para sa yo, mi hijo guapo, at mga brothers mo.
Pangalawa, hindi lagi na kung sino ang pinakamalaki, pinakamalakas, o pinakamaliksi ay siyang tunay na lalaki. Nang grumadweyt ako sa haiskul, ako yata ang pinakamaliit sa batch 1979. Kung pipila kami at mauuna ang pinakapandak, ako yun. Ang hirap palang pumorma sa mga dalaga kung hanggang kilikili lang ang tangkad mo. Mabuti na lamang at dinagdagan pa ni God nang ilang inches ang height ko para naman, at least, matitigan ko ang nanay mo nang mata sa mata.
Pag-isipan mo ito,
Isa pang bagay na napansin ko sa daigdig:
ang mabilis ay di siyang laging nananalo sa takbuhan
ni ang malakas ay laging nagwawagi sa digmaan.
Ang matatalino'y di laging nakasusumpong ng kanyang kailangan
at di lahat ng marunong ay yumayaman.
Napapansin ko rin na di lahat ng may kakayahan ay nagtatagumpay;
lahat ay dinaratnan ng malas. (Mangangaral 9:11, MBB)
Hindi laging ikaw ang llamado. Pero hindi rin porke dejado ay hindi ka na sasagana. Sa biyaya at katalinuhang galing sa Diyos, pwede kang yumabong kung saan ka inilagay ni God, ano man ang pagkakataong dadalaw sa iyo. Sumagana ka kung saan ka ilalagay ng Diyos. Ito ang panalangin ko para sayo.
Pangatlo, ang tunay na lalaki ay may tiwala sa kanyang pagkalalaki, ayon sa pagkalikha ng Diyos sa kanya. Di na kinakailangang patunayan niya ito kahit kanino. Ano ba yun? Siguro ganito: hindi na kailangan ng isang tunay na lalaki na magparami ng chicks. Ang babaero ay lalaking walang tiwala sa sarili. Parang may kulang sa kanya na kailangang punuan ng mga babae. Niloloko niya ang kanyang sarili. Walang makapupuno sa puwang na yun kundi ang Diyos lamang. Ang lalaking walang tiwala sa sarili ay takot na malaman ng iba kung sino talaga siya. Kaya, nag-iimbento siya ng mga kontest at palaro para makita kuno kung sino ang number 1. Ang tunay na lalaki ay di na kailangang magpataas ng ihi. Sa halip, mas pinagtutuunan niya ng pansin kung paano siya magiging biyaya sa mga nakapaligid sa kanya.
Ang pinakadakila sa lahat ay sinumang naglilingkod sa lahat. Ganyan si Jesu-Cristo. Baliktad sa mundo. Sinisikap kong gumaya kay Cristo, at inaasahan kong gagaya ka rin sa akin.
Magpakalalaki ka, anak.